Give us a Call at (+632)8874-8515 (+632)8874-ALTA |     Follow us

Promos

Mabuhay ang mga Frontliners

A very inspirational and heartwarming story from one of our frontliners, Janeth Caseria:
“Isa po ako sa mga housekeepers na nagsakripisyong pansamantalang malayo sa mga anak ko at manatili muna dito sa #PerpetualHelpMedicalCenter para makatulong sa paglilinis ng ospital at sa paglaban kontra #COVID19.Sa bawat araw na lumilipas na hindi ko sila nakakasama, bilang isang ina, may bigat sa dibdib ko na araw araw kong dala, dagdag pa yung pag-aalala na baka sa pagpasok ko sa trabaho araw araw, hindi ko namamalayan na pati pala ako may sakit na. Patuloy akong naniniwala na lahat ng ito ay matatapos din kung lahat ay magkakaisa magtutulungan. Isang araw sinend ito ng panganay kong anak sa akin via messenger. Napawi lahat ng lungkot at takot ko, mas naging malakas at matapang ako. Maraming salamat din po sa PHMC Management, staff at lahat ng kasamahan kong patuloy na sumusuporta at lumalaban sa hamon na kinakaharap ng lahat ngayon. Makakaya at malalampasan po natin lahat ng ito! MABUHAY ANG MGA FRONTLINERS!”

91860257 2574082099510668 8015245977562644480 N1

Close Menu